Home
Super LOLO !
February 21, 2010
i dont own this video but dis one makes me laugh! OMG! imagine dis two LOLO na mahina na tuhod nagagawa pang magsuntukan.. hakhak.. lalo na ung LOLO na nakawhite.. astig.. mukhang nagAral pa ata ng karate nung kabataan nia.. haha! gawa rin kaya ako ng scandal na ganian pagtanda ko ” SUPER LOLA” LOL!
kids: dont do this at home! dapat sa labas =]]
my family..
February 4, 2010


jaydee,jaybie,jamie .. ang cute nila no? mana sakin.. grabeh.. xuper duper .. Love them.. kahapon gumawa kasi ng bhaby ng asawa ko.. (what!?) sa morpthing.com.. triny lang naman kung ano itsura ng future bhaby namin.. at cla nga kinalabasan, buti ndi mukhang alien.. hehe.. pogi naman kasi ung tatay nila.. parang ako pogi! joke! hakhak … at leaszt now i know na maganda pala lahi ko.. hek
my new year adik.. resolution …
January 19, 2010its the 19th day of the month..
nu ba? wala parin ako naiisip na pwedeng gawin sa sarili ko tiL now..
haha.. well eto’ totoo na talaga.. promizse! try my best para magawa to..
1: lagi na ko maguupdate ng blog ko (themes,photos,blahblah….)
2: reduce some weight (ay taeh,taba ko na naman…)
3: magaaral ng mabuti (ows?)
4: regular exercise
5: magtitipid
6: i want to express the real me (yeah,ryt!)
7: di na ko mango2pya (minsan na lang..hehe)
8: tutulong na ko xa gawain bahay (promise!)
9: iwas pacute
10: magiging mabait na ko..
deep..duper.. finals na naman!
November 24, 2009finals na naman…time to move on sa mga nakalipas na buwan. 1 sem na lang second year na ko.. too excited for that.. hehe.. well,, bago pa ba kung kwe-kwento ang walang kawenta’kwentang karanasan ko sa iCCT? cgeh.. umpisahan natin sa advertising T-shirt este NSTP pala..
actualy..til now, hindi parin ako nakakabili ng NSTP t-shirt (kung NSTP tshirt nga bang maituturing) bukod sa telephone number o website ng school ang makikita eh wala na siguro malalaki pa ang ‘ICCT school ako’ tae, parang deliverty boy langh sa pizza hot..mas maganda pa ata yung uniform nila dun.. hindi ko talaga gusto magsuot nun.cgeh na nga. nagastos ko na ang pambili..hehe..
nagulantang ako.. lalo na sa compso.. amfufu.. lageng absent lageng late.. nagiisa na nga lang major namin ee.. haixt.. mas magada pa daw ang turo sa mga state university kaso rare lang dun ang mga magaganda at pogi..kung dun ako magaaral baka maumay lang ako sa mga tao dun (falag?)
isa lang ang sigurado ko ngayong sem.. bagsak ako sa math! hahaha! sa english laki ng tinaas ko aa.. mula sa 2.0 last sem naging 1.50 woow…bait talaga ni sir dela paz.. haupp…
another semester in my life…
September 19, 2009ok! im back.. anyways,naging busy (daw?) ako sa pagaaral at (sa kalokohan ng) project ko sa school kaya bihira na lang mag’update ng fs,facebook (at kung ano-anong chenes sa blog ko). haha! tapos na ang malaimpyernong pagpaparusa sakin ng mga professor ko last sem. at nakalagpas na din ako sa hagis ng kamatayan sa enrollment..langya!!!! ngayon ko lang naranasan na magutom ang mapagod ng sobra sa loob ng isang araw,isipin mo na lang. tatlong daan kau pipili (isang araw lang un) at mapupunta sayong numero eh pang 299.. duh!!! hindi na nga ako nagpa’drug test makauwi lang ng maaga pero wa epek parin..
masaya parin ako kahit papano kasi napunta parin ako sa m3 (ang star section) nandun parin ung mga cute,mabait,matalino,pampam,epal,taeh kong mga classmate last sem.. pero ung iba nasa ibang section na.. iba-iba kasi kami ng kurso nung nakaraan.. meron BSeD,BSIT,BSA,BSHRM,BSBA ect… basta halo-halo kaya ung mga utak namin at pananaw sa buhay eh parang tropical salad na pinaglaruan ng adik.. pero sa lahat ng un,naging masaya at kasing kulay ng salad ung mga panahon inilagi ko.. at ang pinakadabest ung naging 2nd place kami sa linggo ng wika.. hindi man kami naging champion eh malaki naman ang naitulong nun para makilala namin ang isa-isa.. ang pinakamatindi pa dun,dumami ang mga kaibigan ko pag exam! (ehem..)
salamat sa diyos at natapos ko ang isang sem na walang nayuyurakan na karapatan at pagkatao. marami akong natutunan kahit na my prof akong walang ginawa kundi magpalate at umabsent araw-araw, lage din ako nawawalan ng barya dahil sa walang humpay niyang pagpapa-xerox na hindi naman talaga namin nagamit. (trivia: walang pumasa nung exam namin sa finals) “sir,kung binabasa mo man to! sana po eh magbago ka na!!! sayang ang binabayad ng ICCT sau..” at isa pa ang hinanakit ko sa kaniya.. mula sa 1.25 na grade, bumaba ako ng 1.75!..
yehey! jackpot nga pala kasi prof. ko parin si sir. delas alas (sabay-sabay: wala ng babagsak sa math!!!)haha!!! sana my magawa na kong tama sa time nia.. hehe .. aun lang naman.. gudluck sakin… rawr!
the LOVE letter to a princess by giemel espino
July 1, 2009hei guys.. i want to share my favorite love blog entry of giemel espino.. sobrang ganda niya.. talagang nakakainspire lalo na para sa mga young boys en girls out der.. heheh… juszt read it ! enjoy!
THE LOVE LETERS TO A PRINCESS (PART 6)
“YOUR KNIGHT WITH A SWORD OF LOVE AND SHIELD OF SERENITY”
My Princess,
My sister once asked me, “kuya sino ang sasagutin ko sa sampung suitors ko?” I told her, “basterin mo lahat, siguradong walang babalik, pero kung sakaling meron kahit isa,” that is the one who loves you truly, because he loves you without expecting anything in return. Not like the other nine who will only love you if there is a condition that if you will love them in return. I know that is not a guarantee that you will also fell in love with that guy, but I assure you whatever your decision is, “pahihirapan ka nung lalakeng iyon…” because of his loyalty to you inspite of “wala siyang aasahan.”
Then my sister ask, eh ngayon kuya halimbawang ikaw ang manliligaw sa akin, how will you capture my heart? I told my sister that “I won’t love you forever” but “I WILL COURT YOU FOREVER.” Ask any married woman, the best time her husband shows his love at his peak to her, was during their courtship days, but as time goes by romance faded and reality sets in. Why not court a girl forever? That is not impossible! Courtship doesn’t end in marriage, in fact it begins there! “Pag hindi na nagiging sweet ang husband” like before then that is the start of the problem. “My sister” I said, what I mean about when I say I will court you forever is, “if I used to buy you twenty balloons, twenty roses, give you a 20X30 picture portrait of you with a poem of your name at the back of the frame, and serenade you on your 20th birthday, when you turn 50 and your hair turns to gray, I will still send you 50 balloons, 50 roses, a portrait of you, and I will still serenade you on your 50th birthday. That is the meaning of “I will court you forever.” It is love with action. not only just saying I will love you forever without accompanied by actions….
Then I added, “look my sister”; all my toys, books and other possessions when I was still a child are still intact. IF I CAN TAKE CARE OF THINGS THAT HAS NO LIFE THAT LONG, HOW MORE WITH THINGS THAT HAS LIFE, LIKE A HEART OF A SPECIAL SOMEONE.” Look my sister; my room is very clean and orderly, IF I CAN TAKE CARE OF MY ROOM, WHAT MORE TO SOMEONE WHO HAS LIFE.” Look my sister I always get BY MY BAREHANDS the “UU” of my two dog “pugs” (A BREED OF DOG USED IN THE MEN IN BLACK MOVIE), feed them, hug them and give time to them, IF I COULD TAKE CARE OF DOGS THAT HIGH, WHAT MORE TO A PRINCESS.”
In my lifetime, Im tired of all “kabastusan done to girls, na pinaglalaruan at pinagloloko.” I dreamt to be an ideal man in everyway, by asking all my female friends what they like in a guy. By being the guy who has the biggest colection of love story films and watched them all from “gone with the wind”, ” casablanca ” to the most modern one,” researched the books about love and relationships. Interview couples, single parents, heartbroken people and successful relationships. So one day I could inspire men, that in this modern day of polygamy, to be knights are still possible….
My sister said “Kuya, ILL find somebody like you.”
In shining armor,
your knight
pagod.tamad.init watta
June 27, 2009grabeh! nakakapagod ang sobrang init ng araw. pagkatapos ng maladelubyong bagyo at sampal ng hangin.. juszko0! uminit masyado.. lalo na sa school.. kung saan walang aircon at nagtya-tyaga lang ang mga studyante sa apat na malalaking elektrikpan at konting paypay paran aman malamigan ang naglilimahid na pawis sa mukha.
hagard! halos 10mins ata ako bumaba galing 3rd floor ng school.. bukod sa siksikan sa sobrang dami ng studyante marami din hindi marunong magbasa kung nasaan ang “exit” at “entrance” o talagang trip lang nila bumaba sa maling daanan para mangasar. bat kasi walang sumisita sa mga epal sa badboy at badgirl sa school namin. kahit akyat panaog ang mga nakaKulay yellow na TSHiRT at nakaputing guard. hai buhay.. araw-araw na lang bang trafic sa hagdanan ng school namin?.. kapag ako naging presidente ng student council,magpapatayo ako ng elevator mula 3rd floor hanggang CR ng first floor.. ohaa.. iwas trafic na matututo ka pa maging tamad sa paglalakad.
badtrip ako sa math kanina ( sabagay kailan ba ko hindi nabadtrip sa subject na un? )
tae kasi prof. namin eh.. ang bilis na nga magturo ang hihirap pa ng given na bibigay.. parang out of this world palagi ang mga numbers.. paano na kaya kaming mga bobo sa math? hanggang singko na lang ba talaga ang kaya namin abutin?.. tagomes! kailangan ba talaga yan sa buhay? panu na lang kung naging labandera ako’ kailangan ko pa bang iapply ang x3-45xc-65xy=2 na yan .. eh kapag nagtinda ako ng balot sa future’ kailangan ko pa bang gamitin ung lost of exponent kapag magsusukli ako ng bente pesos? langya math yan! nakakasuklam..
last praktice namin para sa P.E.. yehey! nabuo na namin ung mga step mula sa jaiho gang tatarattarat-tat.. sana hindi kami magmukhang tanga sa monday.. hindi ko kasi alam kung paano ako iiwas kung sakaling batuhin kami ng kamatis at papel ng mga classmate tsaka schoolmate namin.. tsk. tsk.. nakakahiya un… nanghihina tuloi mga tuhod ko..hehe!!..
think positive.. wag kang aayaw!
lapit na birthday ko.. hahaixt.. hindi na ko umaasa na my mangyayaring maganda sa buhay ko ngayon darating na byernes.. kung meron man matutuwa ako kung wala edi wala.. ayoko na magexpect ng malaki o maganda…kasi… kabaligtaran lang ang nanyayari..kapag nangyari un.. masasaktan lang ako
araw ng kalungkutan..
June 24, 2009naaalala mo ba si debie? ung makulit,ung sumusuka kapag busog na busog, ung kapag umiyak patago? naalala mo na?..si debie ung napaging dati sa principal office.. yung laging kasama sila jewel,sandy at alan..siya ring yung pinakamatagal kumain at bumili sa canteen pag break..
naaalala mo pa ba kung paano siya ngumiti? eh tumawa? yung tawa niya na abot sa kabilang pader ang ingay.. yung mga tawang tila wala ng katapusan at mga tawang ayaw mo na siyang iwan..
ang pagiyak niya naaalala mo rin ba?yung mga luha niyang hindi napipigilan kapag nasaktan siya ng todo. Yung mga luha na lage mo nakikita sa loob ng banyo o kwarto.. naalala mo na ba ako?
kailan ko kaya ulit mararanasan ang tawa na walang humpay o ngumiti man lang na my galak. lahat ba nagbabago? “there’s nothing permanent in this earth except change” kailangan ko na ba paniwalaan ang mga sinabi sakin ng teacher ko sa math about change? pero bakit ganito.. parang ang lungkot ng pagbabago. iba nararamdaman ko ngayon,ayokong umiyak pero ayon gustong gawin ng puso ko..mali ba to? hindi ko alam.. hindi ko bakit parang my kulang.. araw-araw ngumingiti ako sa kanila at nagpapakita na para bang walang problema,ngunit sa puso’t isipan ko masakit.. hindi naman ako tinatamad. hindi rin ako napapagod.. mas gusto ko nga maraming ginagawa at kasama para naman maramdaman ko na hindi ako nagiisa.. ganito ba talaga??
daloy aking luha,daloy
ang dagat na hindi mapigialan
darating ka ba kaginhawaan?
o dadaloy na lang ng tuluyan.
ang buhay na sadyang malupit
luha na itong pumapalit
kailan ka babalik ligaya
ng tuluyan na kitang mayakap.
funny coLLege kowts :)
June 23, 2009Rewind Your Memories to the College Days with These Funny College Quotes
If you want to get laid, go to college. If you want an education, go to the library.
The chief value in going to college is that it’s the only way to learn it really doesn’t matter.
Of course there’s a lot of knowledge in universities: the freshmen bring a little in; the seniors don’t take much away, so knowledge sort of accumulates….
80% of the final exam will be based on the one lecture you missed and the one book you didn’t read.
Don’t ever dare to take your college as a matter of course - because, like democracy and freedom, many people you’ll never know have broken their hearts to get it for you.
Never get married in college; it’s hard to get a start if a prospective employer finds you’ve already made one mistake.
Cauliflower is nothing but cabbage with a college education.
Dublin University contains the dream of Ireland - rich and thick.
A college education should equip one to entertain three things: a friend, an idea and oneself.
asensado na ko..
June 15, 2009si debie ay cute
si debie ay maganda..
si debie ay mabait..
si debie ay matulungin.
si debie ay magalang..
sabihin mo yan ng paulit ulit (10x) sabay talon sa bintana…
ayan ay ilang lamang sa mga kasinungalingan ko.. haha..
nga pala.. asensado na ko ngayon, hindi na ako yung batang sipunin dati at iyakin, marami na kong kayang gawin tulad na lamang ng pagsusuot ng medyas at pagpunas sa kili-kili na basa at syempre ang manira ng buhay ng iba (jokex!) hindi ko na rin kailangan iyakan ang nanay ko para lang payagan ako lumabas.. iba na ko eh,nagtransform na ko sa pagiging ASO na lalabas at papasok na lamang ng bahay kung kailan gusto
hindi ko na rin kailangan mangupit dahil ngayon college na ko,my tinatawag na silang allowance ko sa isang buwan.. kumbaga pwede kong bilhin lahat ng gusto ko at hintayin na lang nila ako bigyan ulit… haiiiiiiiii… sarap talaga buhay palamunin.. pero minsan alam niyo ba,gusto ko rin ng kakaibang adventure sa buhay ko: pagtalon sa 100th floor na building na walang nakalagay sa safety tali sa katawan o kaya naman pumunta sa bubong ng kapit bahay habang sinasabing “cute ako,maganda ako, mabait ako, matulungin ako” pero syempre.. maghahanda na ko ng protector shield kung sakaling hagisan nila ako ng kamatis at popcorn.. mas maganda siguro ang eksena kung gagawin kong leading man si Edward cullen para naman romantic ang dating.. hehe
hay.. buhay.. asensado na nga talaga ako..kung dati ako ang inaasar.. ngayon naman ako ang mangaasar.. hahahahahahahahaha!!.. mabuhay ako!..
ibang iba nga talaga…
June 10, 2009ilang araw na pala ang lumilipas,at unti-unti ko na nararamdaman ang pagbabago sa buhay ko.. ang pagbabagong ayaw ko man gawin ngunit dapat. nalulungkot ako dahil kailangan ko na magpaalam sa mga bagay-bagay na kinasanayan ko. Ang pagiyak ng walan katuturan at ang pagtawa ng malakas. Dahil kailangan ko na maging matatag at independent. sabi nila hindi ko na daw kailangan umasa sa ibang tao.. at ang pinakamahirap sa lahat,marami ako dapat isakripisiyo para makamit yun.hindi naman ako nagrereklamo,alam kong magagamit ko rin to balang araw at umaasa ako kapag nangyari yun mas higit na ko sa dati.
-blah end- emote mode
mah schoOL scandal
June 2, 2009 heLL, nakuha ko tong video na to habang nagsesearch ako ng school namin.. nagulantang ako sa napanood ko..at sobrang nalungkot..ito lang ang masasabi ko: ginawa yang video na yan noong 2006,ilang taon na rin ang nakakalipas..ilang studyante na rin ang grumaduate. pero bakit nila nagawa siraan ang eskwelahan na naging parte na ng kanilang buhay? naiinis ako sa mga walang utak na tao na gumagawa ng ganian.. lahat ba ng pagkakamali dapat isisi sa mas nakakataas?.. para kayong tuod na sa sobrang kahirapan isinisisi lahat sa gobyerno.. nasa magaaral yan.kahit anong ganda at linis ng paaralan at kagagaling ng mga guro kung ikaw naman walang balak matuto at naghihintay sa grade na uno.. bale wala..wag ka na lang pumasok. sayang ang pawis ng mga magulang mo..sabi nga ng kuya ko.. sa buhay college daw,kung magaaral ka ng mabuti kayang kaya mo daw higitan kung ano nalalaman niya..naniniwala ako doon..desisyon mo na kung gusto mo pumunta sa mga bar,com.shop at maglasing.. wala na sa paaralan ang pananagutan.. my sariLi kang utak at alam mo yan..ano natutunan mo nung high schooL? hayss.. ayoko na masyadong magcomment..naiiyak lang ako..
first violation
May 31, 2009nakz.. second day plang umaariba na ko sa violation.. sabi na eh’ayaw kasi nila maniwala..”studyante lang ako hindi magaaral” and i proud of it. (05/30/09) joke!
tapos na ang mga kaba,tapos na rin ang hiya. panibagong araw na naman para sakin.. hindi na ko tanga,alam ko na kasi kung saan ako pupunta at kung anong room ang papasukan ko (yehey!) ..
medyo maaga ako nakatulog kagabi,hindi ko na naabutan yung “i liters of tears” sayang nga eh! pero ok lang.. ano ba naman ang isang araw na hindi ko mapapanood yun?tutal masarap matulog,hehe!….adik na cellphone! sinet ko ng alas-singko’alas singko imediya na tumunog,sayang ang 30mins. kung itinae ko na lang yun adi nasarapan pa ko kaso walang oras. kailangan ko na talaga maligo ng mabilis,kumain ng mabilis at magtotbrush tas magbihis ng mabilis.. 6:15 na,wala ng isip isip,tinignan ko ang mga sapatos ko.alin kaya dito ang susuotin ko ngayong araw? nakita ko ang sandals na binili ko sa sta.lucia mall at isa rin sa mga paborito ko ngayon..sa wakas! nakapili na ko..alam kong bawal ang slipers,pero bahala na. irregular pa naman class namin ngayon eh. kung may magagalit man eh yung mga monster sa school namin na hitik sa ihe ng mga studyante dahiL sa walang kamatayang drug test.. lumakad na ko,wala masyadong tao at studyanteng naglalakad. medyo natagalan din ako sa hintayan ng tricycle. sabagay,sabado.walang trabaho at pasok ang iba.. umakyat sa overpass tsaka sumakay ng jeep.. ang kyut talaga ng slipers ko.. brown-black.. fave colors..ayieee..sinisigurado kong hindi masusumihan ang sandals ko pagbaba ng jeep,.feel na feel ko ang bawat hakbang.. tamang tama,malapit na ko sa gate. proud kong inilabas ang ID para hindi na ko masita ni manong guard at makapasok na rin sa gate.. ayan na..itatapat ko na sa machine yung ID ko.. malapit na.. boom! ” mis sandali lang.. pumunta ka munang guidance” .. sandaling katahimikan.. “anong meron?” tanong ko kay manong… aba’y nginitian lang ako..! langya..no choice,pumunta nga ko sa guidance.. tutal 10mins pa bago magsimula ang first class ko..isang tambak ng studyanteng nakaslipers,uniform,short,sleeveless ang naabutan ko doon..at syempre magiging kasapi na nila ako..kasapi ng mga pasaway.. isa-isa kaming pinapasok sa guidance..habang hawak-hawak ang registration form ko..patay tayo diyan! sabi na eh.. itong sandals ko ang may sala! ang kulit kasi ng sandals ko.. sabi ng close shoes lang ang pwede.. ayan.. my violation na agad ako.. tibay pala maging college,hindi uso ang warning.. diretso mark sa registration form “wearing slippers”.. aray!sakit sa bangs..gusto ko sanang umiyak at maging artista nung mga oras na yun kaso tapos na. meron na ko sa reg.form.. hahays..
ngayon nagtanda na ko..hindi na ko uulit kung ayaw kong mapatalsik ng tuluyan school. promise.. papakabait na po ako..
–peace men—
first day,first year first sem
May 30, 2009(5/29/09)
sa wakas! college na rin ako.. after many years sa pagtitiis bilang high at isip bata ngayon magbabago na.
7:00 am ang umpisa ng class ko.. ayos! sinet ko agad yung phone ko ng 5am para naman makaligo ata makakain pa ko ng maayos. Excitement tsaka kaba yung nararamdaman ko ng mga araw na yun. feeling ko nga sasabak ako sa isang dikmaan ng pasaan mukha,haha! exactly 10pm (before the day) dahil sa wala pa kong uniform tsaka wala din naman akong balak magsuot,umakyat ako sa taas para mamalatsa. kinuha ang kulay violet damit saka jeans,swerte daw kasi ung ganun porma. tulo-pawis habang nanonood ng all about eve hindi kasi ako sanay na naghahanda ng damit ko,wala mga parents ko nasa laguna kaya naman todo sikap ako sa pagaasikaso sa sarili ko. mahirap pero kayang kaya! natapos ako ng 10:35 (para sa isang kapirasong damit tsaka jeans) weew! 1 liters of tears na pala,gabi gabi namin inaabangan ni ate salvi ung palabas na to’ nakakaiyak daw kasi eh,si aya ung bida my sakit siya na ewan basta un na yun. nga pla isa rin toh sa magiging dahiLan ng pagiging late ko,ahaha.. 11:05 wala na kong papanoorin,wala na rin paplantsahin pero kinakabahan parin ako para bukas. hindi kasi ako sigurado sa magiging reaction ng mga classmate at professor ko. hindi ko rin alam kung ilang beses ako mapapahiya sa araw na yun at higit sa lahat,marami kaya akong pogi saka maganda na katabi?..weird sana meron… bago matulog,naligo muna ako pampaalis init saka kaba na rin.. ayan ok nah! meme mode..
5:00 am ginising ako ng cellphone kong skandalosa..binuksan ang ilaw..tumingin sa bintana,madilim pa..lumabas ng kwarto,walang tao..bumalik para kumuha ng twalya saka lumabas para pumasok sa cr para maglabas ng sama ng loob at maligo.. ayos! naka30mins din ako dun..nagbihis,nagsuklay at syempre nagpaganda ng kaonte para naman hindi ako mukhang manang.. kumain ng kaunti saka umalis,6:05 na ata yoon..
this is it!bababa na ko sa jeep at abot tanaw ko na rin yung papasukan kong eskwelahan,. hindi pa open ang school daming studyante.my mukhang badboy at badgirl,mukhang rakista,mukhang abnormal,mukhang tigyawat at mukhang bisaya. basta halo-halo pero may mga pogi at magaganda din naman,isa na ko dun (sabay-sabay: OWS?!) bell na! pila na kami para ilusot ang id sa gate,success! akala ko pati sa gate magiging tatanga tanga ako. pasukan na! binuklat ang registration form,nandun kasi ung ro0m saka subject na papasukan ko,nagbasa saglet at pumanik na sa 3rd floor,sobrang kabado ako ng mga oras na yoon.aakyat na ko sa hagdan ng lagim habang naghihintay si lucifer para katayin ako..isa..dalawa..tatlo..huminga ng malalim..room 32..naghanap.. nagdadalawang isip pa ko kung papasok ako sa pinto o tatakbo na lang sa sobrang kaba.. wala pa masyadong studyante.. 6:50 na..tahimik,busy ata sila sa pananalangin na sana hindi monster si prof.,isa-isa na silang nagdadatingan,parami kami ng parami..7:05 my pumasok na lalaki,katso,maitim,mejo matangkad,at nakasuot ng blue uniform at TEACHER’s ID,ayan na siya!papalapit sa harapan.tahimik ang lahat,walang kumibo hanggang sabihin ni sir.katso na “math kayo noh?!”… halah!!!!!!! patay tayo diyan! TTHS ang math ko..mali-mali! ang tanga ko,mali ako ng room na napasukan,fil001 ko dapat ngayon araw..tumayo ako,tinignan ang mga tao sa paligid ko habang kinakagat ang labi sabay sabing “sir,sorry.. hindi po pala ako dito excuse lang po”.. hindi nakatingin si sir.katso siguro ang nasa isip niya masyado akong tanga,grabeh! mangiyak ngiyak ako habang lumalabas sa room,tinginan sakin yung mga studyante.. tinignan ko ulit and reg.form ko.. fil001——–room——33! huhu,late na ko,nagbabasa na si ma’am.short (kasi pandak siya) ng attendance..buti na lang pinapasok ako…. akala ko tapos na,hindi pa pala umpisa palang ito ng katangahan ko..nakaraos ako ng isang subject kay ma’am short. next ko na ang mkey001,hinananp ko ang ac1..ayon! tumingin sa registration form,ito na.. mkey001 7-8 am..haller! 9 na kaya,patay!ang tanga ko talaga! napagpalit ko ang sked ko,imbes na 8-9 ako sa fil001 napunta ako sa 7-8… hindi!!!!!!!!!!!!!!…. no choice.. pumasok ako sa ac1,kunyari 8-9 din ang sked ko..hindi na ko nagpahalata na tanga ako,nakaraos na naman ulit,ayoko nah!! buti na lang 2 lang subject ko..pwede na ko umuwi after ko kunin yung uniform ko..massacre talaga.. ang tanga ko.. sobrang tanga..
paguwi ko sa bahay,hindi na ko masyadong nagkwento ng katangahan ko sa school.. wala na rin ako sa mood at inaantok na rin..sana hindi ganito kamalas ang buhay ko sa susunod na mga araw.. haixt! kawawang debietot..
—end—-


